Monday, November 29, 2010

"Natutulog Lang" Ni:Sandra M. Villocillo



     Unti-unti nang tumakip ang walang kawawaang pagkukunwari sa aking isipan. Tila malayo ang mga bagay na noo'y aking tinatangkilik. Wala na yatang pag-asa ang pagkanais na bumalik sa dati-rating kay tahimik. Hindi maiguhit ang larawan na sa ngayon tumataglay ng dilim. Malayo ang Diyos... ninanais na makabalik sa Kanya, subalit kay daming nagpipigil.
     Malungkot ding masaya ang miminsang napapalayo kay Ama. At lahat ng ito'y may kapalit. Tinanggalan na ng pag-asang magbago at mukhang ipinauubaya sa kababaan.
     Noon, walang pagdadalawang-isip na magpasalamat sa Kanya, nangingiti baka sakali, Siya. Gayong nagbabakasakali kung tanggapin ang pasalamat... walang dudang-loob, lakas ng biyaya at walang hanggang paubaya.
     Minamahal ko Siya... ng buong tapang na gaya ng higpit ng pagsasama ng buhangin at tubig ng karagatan. At, noon iyon kaibigan.
     Lahat nga pala ng bagay sa mundo ay nagbabago. Katulad nating tumatanda at namamatay pagkatapos ay ibinabaon ng napakahabang panahon at paulit-ulit na pagturo. Ang halaman na sumisibol, hindi nararamdamang pag-iyak kung matinding init at tag-tuyot, tag-ulan, pagkalanta nito sa daupang lupa na taga-salo.
     Malupit ang mundo. Marami ngang pagsubok kagaya nitong sumasalamin sa bawat mukha ng tao. Ipinatitikim ang kapaitan ng bunga ng pagkabigo.
     Hindi lamang hanggang ganito dahil pagkatapos ng gabi ay sisikat ang nakangiting araw, palatandaan ng sinasabing pag-asa nating mga tao, kaya gigising na ako.

Friday, November 26, 2010

"ALAM KO KUNG PAANO"

Ni: Marry Sandra M. VIllocillo 
(date created, August 30, 2010 11:50 PM)


Naranasan ko ng walang makain sa hapag
Kaya alam ko ang pakiramdam ng nagugutuman...
Iyong wala kang magawa kundi humiga
Wala kang mapagkunan...


Kaya't alam ko rin ang nararamdaman ng alipin--
Alipin ng kalsada--pakiramdam ng taong walang ibang nais
Kundi ang tinapay...
Kumakalam ang tiyan, natutong magnakaw...

Kung paano ako narito ngayon sa ibabaw,
ay nalaman ko rin kung paano maging ilalim--
Ng sadlak na kahirapan
Hindi naman ako nabubulagan...

Kaya't ngayon ayaw kong kinakainggitan
Ng mga taong hindi marunong umunawa,
Kahit man sila'y durog ang puso sa hirap,
Nadurog din ang puso ko sa kalungkutan...

KAPITA-PITAGAN

Ni:  Marry Sandra Villocillo 
(created date, summer April 3, 2007 9:40PM)

Ang sabi nila hangal daw ako
Tumutupok sa isipan kong mura,
Bago pa maidikta ng letrang ito
Walang makakamit 'pagkat mulang bobo.

Wala silang tiwala dito sa mga tula:
Naglalaman ng kakaibang hiwaga;
Ang prosa at awit din nagpapasigla
Nitong hangal na damdaming di laya.

Mula pa noon sinarili ko ito;
Sa wala nilang tiwala sa mga letra,
'Pagkat hangal ay nabobo sa salita.
Hindi na sumigla dahil di laya.

Kapatid ko, damdamin mo'y sundin
Iyan magpapalaya sa iyo
'Wag kang hangal sa bato
Tao lang tayo at may sariling gusto.