Friday, May 4, 2012

Sana


SANA
Ni: Sandra M. Villocillo

Dati rati..
Umaawit ang puso ko
Sumasaliw sa musika mo..

Dati rati..
Maligaya tayong lumalakad, hawak-kamay
Inalay mo pa ang rosas na dala mo.

Dati-rati..
Nariyan ka lang sa tabi ko
Hinuhuli bawat pag-ngiti ko

Naalala ko lang..
Nasaan ka na?
Naalala mo rin ba…
Sana.

Friday, March 23, 2012

para kay 'gel


          Ilang linggo na ang nakaraan noong nagkaron tayo ng awayan..tandang tanda ko pa yung mga sinabi mo sa sulat January 6, 2012 10 pm, nagpapaalam ka..Sobrang sakit para sa akin ang hiniling mong laya. Hindi ko matanggap. 


         Isang bagay lang ang pinag-awayan natin noong hapon na iyon tapos biglang lumutang na lang yung dating saloobin mong nagagalit sa akin. Selosan lang yun na nauwi sa di pagkakaunawaan tapos naabutan ko yung sulat mo, nagpapaalam..

          Litong-lito na ako, gusto kong maglupasay, gusto kong sisihin ang sarili ko at gusto kong ipabatid sayo na di ko kaya..pero noong lumapit ako sayo sabi mo makakaya ko rin 'to. Ilang araw ko lang pinalagpas 3 days yata.. gusto na kita kausapin.. lumapit ako sa'yo, umiiyak at nagmamakaawa pero ang sabi mo, "makakaya mo rin yan gaya nila Dane..." Halos sumabog ang puso ko sa narinig kong iyon, tapos yumakap ka pa pero hindi na gaya ng dati na mahigpit-- matabang na yakap tapos sabi mo, maging magkaibigan na lang tayo.. Parang may kung anong sakit ng damdamin na hindi ko maintindihan..noon ko lamang nadama 'yun... yung damdamin ko na ayaw pa bumitaw pero sabi mo tama na...sobra pa rin kapit ko pero inilalayo mo....
         
         Ayoko ng hiwalayan. Ayaw kita mawala.Ayokong maulit ang mga panahong wala akong mapagsabihan ng mga takot ko..at walang mapaglambingan...pero natiis mo..gusto mo ng laya.. Saan ako pupunta ngayon? Hindi man lang handa ang sarili ko sa ganitong sitwasyon..unang beses nangyari sa kin 'to..
Sa pagtapos ng mga araw natin..miss na miss na kita, pati yung yakap mo, pati yung tayo na andami ng pinagdaaanan sa loob ng magtatatlong taon na nawala lamang ng isang iglap...

         Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon pinipilit ko pa rin ito. Isa lang ang pagkakaalam ko, mahal  na mahal kita, walang nagbago, nagkaron lang ng sobrang iyak pero ikaw pa rin ang nag-iisang hinahanap ko.

Friday, October 21, 2011

PAGKAIN AT PAGMAMAHAL

     Masarap magmahal at masarap din kumain. Sa palagay ko iisang bagay lang sila, ewan... May gusto akong pagkain ngayon alam mo ba kung ano? Syempre-- chicken at palabok ng jollibee...gusto ko nito kanina pa pero nag-aalangan ako bumili wala kasi akong sobrang pera, wala akong lakas di dahil baldado ako kundi ang hirap niyang abutin, hindi dahil mataas siya kundi malayo sa kinalalagyan ko ngayon. Parang pagmamahal din pala iyon...Nalungkot ako bigla-- di ko inasahan tutugtog ang  241 ewan... basag na basag ako sa kantang iyon, naisip ko na lang habang gustong gusto ko ng chicken palabok.

     Habang di pa ako makakain ng chicken palabok, sumagi sa isip ko na "ganito-ganyan" na kame, ibig ko lang sabihin, gustong-gusto ko na yung chicken palabok di ko pa binili, nagdahilan pa kong malayo at mahirap abutin parang isang kubling "pagmamahal" na pinipigilan ng balakid--ang hirap abutin at NAG-AALINLANGAN...

      Gusto ko lamang malaman niya na gustong-gusto ko siya, parang pagkagusto ko sa chicken palabok--pero nag-aalangan, ang hirap abutin at malayo siya sa akin. Isang mapagbiro rin ang panahon habang naiisip ko ang mga bagay tungkol sa pagkain na iyon.. ay tumugtog ang cellphone ko ng 241 (isa sa paborito kong liriko doon ay, "somebody owns you now I tried to live somehow.." )

     May mahal na siyang iba.. kaya wala akong lakas abutin siya...

http://www.youtube.com/watch?v=Dg8m1XobNn0



     


Tuesday, October 18, 2011

"Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako"

         



Salamat sa isang kanta ng bandang ITCHYWORMS dahil napakaganda ng ginawa nilang kanta na pinamagatang "gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako"

          Heto ang lyrics na paborito ko...
           Ok lang kung 'di maging presidente
           Ok lang kung mawalan ng kuryente
          Ok lang kung ang bumbilya'y walang sindi

         Ok lang kung ketchup lamang ang ulam
         Ang gulay ay hindi naman kailangan
         Basta't sa sandwich mo ako ang iyong palaman

        Chorus:
       Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
       Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako

       Hindi naman ako milyonaryo
       Basta't araw-araw yakap mo ko
Feeling ko ang yaman yaman ko
Feeling ko ang yaman yaman ko



Friday, August 12, 2011

SILVER

SIYA si Silver..
Mahal ko ang aso ko na yan... pinangalan ko sa kanya yung silver kasi gustong-gusto ko ng aso last October 2010, kaya bumili ako ng laruan lang muna yung nabibiling LOBO na aso sa Monumento tapos kulay silver 'yun kaya noong nabili ko na si SILVER,  silver na naging pangalan niya..

Malaki na siya ngayon... ayaw pa nga mag-asawa dahil ayaw pa rin ipabuntis ni mama kaya ayun, ang sungit lagi. 






Monday, November 29, 2010

"Natutulog Lang" Ni:Sandra M. Villocillo



     Unti-unti nang tumakip ang walang kawawaang pagkukunwari sa aking isipan. Tila malayo ang mga bagay na noo'y aking tinatangkilik. Wala na yatang pag-asa ang pagkanais na bumalik sa dati-rating kay tahimik. Hindi maiguhit ang larawan na sa ngayon tumataglay ng dilim. Malayo ang Diyos... ninanais na makabalik sa Kanya, subalit kay daming nagpipigil.
     Malungkot ding masaya ang miminsang napapalayo kay Ama. At lahat ng ito'y may kapalit. Tinanggalan na ng pag-asang magbago at mukhang ipinauubaya sa kababaan.
     Noon, walang pagdadalawang-isip na magpasalamat sa Kanya, nangingiti baka sakali, Siya. Gayong nagbabakasakali kung tanggapin ang pasalamat... walang dudang-loob, lakas ng biyaya at walang hanggang paubaya.
     Minamahal ko Siya... ng buong tapang na gaya ng higpit ng pagsasama ng buhangin at tubig ng karagatan. At, noon iyon kaibigan.
     Lahat nga pala ng bagay sa mundo ay nagbabago. Katulad nating tumatanda at namamatay pagkatapos ay ibinabaon ng napakahabang panahon at paulit-ulit na pagturo. Ang halaman na sumisibol, hindi nararamdamang pag-iyak kung matinding init at tag-tuyot, tag-ulan, pagkalanta nito sa daupang lupa na taga-salo.
     Malupit ang mundo. Marami ngang pagsubok kagaya nitong sumasalamin sa bawat mukha ng tao. Ipinatitikim ang kapaitan ng bunga ng pagkabigo.
     Hindi lamang hanggang ganito dahil pagkatapos ng gabi ay sisikat ang nakangiting araw, palatandaan ng sinasabing pag-asa nating mga tao, kaya gigising na ako.

Friday, November 26, 2010

"ALAM KO KUNG PAANO"

Ni: Marry Sandra M. VIllocillo 
(date created, August 30, 2010 11:50 PM)


Naranasan ko ng walang makain sa hapag
Kaya alam ko ang pakiramdam ng nagugutuman...
Iyong wala kang magawa kundi humiga
Wala kang mapagkunan...


Kaya't alam ko rin ang nararamdaman ng alipin--
Alipin ng kalsada--pakiramdam ng taong walang ibang nais
Kundi ang tinapay...
Kumakalam ang tiyan, natutong magnakaw...

Kung paano ako narito ngayon sa ibabaw,
ay nalaman ko rin kung paano maging ilalim--
Ng sadlak na kahirapan
Hindi naman ako nabubulagan...

Kaya't ngayon ayaw kong kinakainggitan
Ng mga taong hindi marunong umunawa,
Kahit man sila'y durog ang puso sa hirap,
Nadurog din ang puso ko sa kalungkutan...