Unti-unti nang tumakip ang walang kawawaang pagkukunwari sa aking isipan. Tila malayo ang mga bagay na noo'y aking tinatangkilik. Wala na yatang pag-asa ang pagkanais na bumalik sa dati-rating kay tahimik. Hindi maiguhit ang larawan na sa ngayon tumataglay ng dilim. Malayo ang Diyos... ninanais na makabalik sa Kanya, subalit kay daming nagpipigil.
Malungkot ding masaya ang miminsang napapalayo kay Ama. At lahat ng ito'y may kapalit. Tinanggalan na ng pag-asang magbago at mukhang ipinauubaya sa kababaan.
Noon, walang pagdadalawang-isip na magpasalamat sa Kanya, nangingiti baka sakali, Siya. Gayong nagbabakasakali kung tanggapin ang pasalamat... walang dudang-loob, lakas ng biyaya at walang hanggang paubaya.
Minamahal ko Siya... ng buong tapang na gaya ng higpit ng pagsasama ng buhangin at tubig ng karagatan. At, noon iyon kaibigan.
Lahat nga pala ng bagay sa mundo ay nagbabago. Katulad nating tumatanda at namamatay pagkatapos ay ibinabaon ng napakahabang panahon at paulit-ulit na pagturo. Ang halaman na sumisibol, hindi nararamdamang pag-iyak kung matinding init at tag-tuyot, tag-ulan, pagkalanta nito sa daupang lupa na taga-salo.
Malupit ang mundo. Marami ngang pagsubok kagaya nitong sumasalamin sa bawat mukha ng tao. Ipinatitikim ang kapaitan ng bunga ng pagkabigo.
Hindi lamang hanggang ganito dahil pagkatapos ng gabi ay sisikat ang nakangiting araw, palatandaan ng sinasabing pag-asa nating mga tao, kaya gigising na ako.